Friday, January 15, 2010

Mukhang Libro

Sa panahon ngayon, naku! Usong-uso ang Mukhang Libro. Talbugan ba naman ang Pagkakaibigan! Hays. Anu-ano ba ang dahilan at nagsilipana ang mga bubuyog na ito sa Mukhan Libro?

Ang Mukang Libro o mas kilalang
FaceBook

Marami-rami narin ang napagtanungan ko na naging dahilan na din kung bakit ko sinimulan ang artikulong ito. Isa lang naman ang katanungan ko sa mga tao na bagamat mahirap sagutin para sa iba. Karamihan naman ay iisa lamang ang sagot.

"Bakit ka nag muMukhang Libro?"

Bago tayo magpatuloy sa isang mahabang paglalakbay. Nais ko lamang linawin na ang "Mukhang Libro" ay hindi ang tamang berso sa pagsasalin sa Wikang Filipino.
"Kung sa Pilosopo...Oo" Ika nga ng isang kaibigan.

Marahil mahirap isalin ang salitang ito sa Wikang Filipino, kinailangan nating kumapit sa mga taong Pilosopo ano.

Ngayon, bumalik tayo sa aking tanong. Hindi man iyan ang eksaktong taong na ginamit ko, siguro naman maiintindihan ninyo. Natural iyon dahil sadyang ganito ako gumawa ng artikulo sa Blog. Sa dami ng natanong kong tao, iisa o magkakalapit ang kanilang mga sagot:

"Masaya eh."
"Uso eh."
"Wala lang."
"Para maglaro."
"Sabi ng kaibigan ko."
"Pag wala daw kasi ako nito, taga bundok daw ako."

Ang mga karaniwang sagot ng mga tao kapag tinanong ko. Para sa unang apat na sagot, ito ay iyung mga karaniwang isinasagot ng mga tao sa tuwing mag tatanong ako.

"Bakit nga ba kayo gumagamit nito?"

*Marahil nagtataka kayo sa "kayo". Pero para sabihin ko sa inyo, hindi ko po binalak na gumawa ng Mukhang Libro.*

Sadya bang mahilig sumabay sa uso ang mga Pinoy?
Bakit nga ba talaga tayo gumawa nito?

Ayon sa aking obserbasyon, nang lumabas ang Mukhang Libro ay hindi naman ito ganoon ka patok. Sa tingin ko kasing taas lang ng antas nito ang Aking Espasyo na mas kilala naman sa tawag na My Space. Para naman sa Pagkakaibigan ay nangingibabaw ito noong panahon na wala pa sa Mukhang Libro ang mga "Hinahanap" ng mga tao.

Una sa listahan ng mga dahilan kung bakit nag muMukhang Libro ang mga tao ay dahil na din sa mga bago niton Aplikasyon. Ito ay iyung mga Digmaan ng Mapya, Istorya ng Bansa, Bili na ng Kaibigan at Digmaan sa Kidlat. Ito ay ilan lamang sa mga kinababaliwan ng mga tao kung bakit sila gumawa ng Mukhang Libro.

Unang una. Bakit ba nagkaroon ng mga ganitong Aplikasyon?
Ginawa ang mga ito para naman hindi ka lamang magbabasa ng mga Komento at Mensahe sa bawat bukas mo ng iyong akawnt. Ginawa rin ang mga ito para ma-atrak ang mga tao na gumawa ng isa.

Kumikita ba ang mga gumawa at naglalaro nito?
Oo. Isang malaking Oo. Para sa gumawa. Para naman sa mga manlalaro. Malking Wala naman. Bakit? Hindi mo maaaring makuha ang mga kinikita mo sa bawat larung nilalaru mo. "Ginawa ang mga larung ito para magawa ng isang normal na tao ang mga bagay na hindi nila karaniwang nagagawa sa tunay na buhay."

Magkano ba ang kinikita nila?
Mayroon tayong Bayad Bawat Klik o Bayad bawat Bisita.
Sa tuwing maglalaru o bibisita kayo sa isang Aplikasyon ay kikita sila ng higit pa sa $5. Oo, bawat klik mo. Kung sa isang araw ay 5 beses kang naglalaro sa iba't ibang oras. Mayroon silang $25. Sa tingin mo ba ikaw lang ang naglalaro?

Aaminin ko. Adik na adik talaga ako sa ibang mga laro. Alam ko din na kumikita ang iba dahil sakin. "Kasi nga Pilipino tayo." Ang kulit.

Simple lang naman ang sagot sa tanong ko eh.

"Bakit ka ba nag muMukhang Libro?"

"Pilipino kasi ako."

-Admirate.MForte

No comments:

Post a Comment