Tuesday, January 12, 2010

DotA - Defence Of The Ancients

Warcraft III RPG Map made by Ice Frog

DotA - Defence of the Ancients

Mga karaniwang tanong ng sambayanan:

T: Ano ba ang DotA?
S: Ang DotA ay isang laro na ginawa ng isang "Warcraft Fan" na nag ngangalang Ice Frog. Ito ay isang laro na kung saan ay kinakilangang gamitin mo ang iyong isip, liksi maging ang koordinasyon sa iyong mga kakampi.

T: Maganda ba ang DotA?
S: Sa palagayo ko. Dahil hindi namang magtatagal ito ng taon taon kundi naman ito maganda. Aaminin ko maging ako ay nalalaro nito mula nung Ikalawang Taon ko sa Hayskul hanggang ngayon.

T: Sinu-sino ba ang mga naglalaru nito?
S: Sa larung ito, mayroon tayong tinatawag na "Late Gamer", "Carry Hero" o "Long Gamer" na katulad nina Walang Mukhang Boyd, Nakakatakot na Bleyd, Troll ang Hari ng DIgmaan at iba pa. Dumapo naman tayo sa mga naglalaro, mayroon ding mga katulad nila na "Long Gamer" o "Late Gamer". Sila ay ang mga taong nakakapaglaru padin ng DotA makalipas ang daan-daang taon.

DotA

Ang DotA ay nakatatak na sa isip at puso ng mga tao sa panahon ngayon. Maging ang mga Pilipino ay nasa industriya na ng DotA. Karamihan pa nga sa mga estudyante ay Pumuputol pa ng Klase para lamang makapaglaru nito. Hindi bat nakaka-adik ano?

Ito naman ang kwento ko sa mundo ng DotA.

Isa lamang akong hamak na bata noon na walang ginawa kundi maglaro ng kung anu-anong mga bagong lumalabas na laro sa kompyuter. Naalala ko pa noon nung nagsimula ako sa GunBound. Transper ako noon sa isang eskwelahan na nag ngangalang IJMC, kung saan nakilala ko ang isang kaibigang nag ngangalan namang Charles. Siguro kaya kami nagkakilala dahil nadin sa pareho kaming adik sa kompyuter.

Isang araw bago ang aming bakasyon, ay inaya ako ni Charles sa isang kompyuter shop matapos ang klase. Kasama namin ang isang kaibigang c Kelvin. Maglalaru sila ng 1 on 1 sa DotA para magkaalamanan kung sino talaga ang magaling sa DotA. Natuwa naman ako, dahil kahit wala silang ginawa kundi pumatay ng mga halimaw ay tuwang tuwa padin sila. Ako naman, na isang batang walang ginawa kundi tumapat sa kung sino ang pinakamagaling sa isang larangan, ay nag-aral akong mag laro ng DotA para sa sarili ko.

Sa aming Ikalawang Taon sa Hayskul, aba, akalain mo at wala namang pagbabago, kami kami parin naman ang magkakaklase. Sa unang araw palamang ay inaya na nila ako para mag laru ng DotA pagkatapon ng klase. Sa aming paglalaro, ay ikinagulat nila na kahit papano naman daw ay marunong ako. Sa pagkakataong ito, ay halos sunod sunod ang aming paglalaru ng DotA bawat araw na lumilipas. Hanggang sa.... "Maik, pwede ka na maglaru sa pustahan!" Sabi ng isa naming kaklase na si Paulo. Ganun padin ang buhay namin araw-araw, DotA dito DotA doon. Kahit saan kompyuteran ay pumupunta kami makapag DotA lang.

*Bago ko nga pala ituloy ang kwento ko. Nais ko lang na malaman nyo na sa buong buhay ko ay hindi pa ako pumuputol ng klase para lamang mag kompyuter. Ang mga pangyayaring ito ay pagkatapos ng klase namin*

Biyernes. Oo Biyernes, may isang seksyon na nag-aya sa amin ng pustahan sa wala nang iba kundi DotA. Ito ang unang araw ng paghaharap namin ni Jess. Sabi sakin ni Charles "Maik, sali ka, pwede ka na pang pustahan." Kinabahan naman ako. Dahil sa buhay ko ay ito ang kaunaunahang makikipag pustahan ako. "Sige, pero wag ninyo akong sisisihin pag natalo tayo ah." Sa unang paghaharap namin ng grupo nina Jess ay nanalo kami. Kaya ang nasa isip ko ay hindi sila titigil hanggat hindi kami natatalo. Bago naman ang aming bakasyon ay natalo namin silang muli.

Grupo nina Jess:

Jess, Gani, Mico, Oteng at William

Ang sa amin naman:

Charles, Maik, Paulo, Ralph at Kelvin

Nang sumunod na taon, Ikatlong Taon namin sa Hayskul, syempre ang walang kamatayan padin ng DotA. Ngunit hindi maganda para sa amin ang taong iyon. Dahil sa lahat ng pustahan namin sa Grupo nina Jess ay hindi malang kami nanalo ni isa sa pagkakataong iyon.

Ang pinakamasayang taon sa lahat, ang aming Ikaapat na taon sa Hayskul. Oo, tama ang nasa isip mo, DotA padin. Hindi bat nabanggit ko na, na kapag ika'y nagsimula na, ay unti-unti iton tatatak sa isip at puso mo? Isa pa tama ang nabasa mo, ito ang pinakamasaya na kun' saan ay naging magkakaklase ang dalawang Grupo. Ang aming grupo at grupo nina Jess. Dito sa taong ito nabuo ang aming pagkakaibigan. Dito din sa taong ito nabuo ang bagong Linya para sa industriya ng DotA. At dito din sa mismong taong ito nabuo ang [MC]- Na mas kilala bilang Multi-Cast. Nagsama ang magkaribal na grupo para sa iisang layon, ang maging pinakamagaling na grupo sa maraming larangan. Pero dahil sa DotA ang pinag-uusapan, sa DotA lang tayo titigil. Sa aming pagsasama, ay dumadayo kami sa iba't ibang lugar. Minsan na din naming nakaharap ang mga Hapon na nagmula pa sa Kolehiyo ng Malayan na amin namang ikinatalo. Dinayo din naming ang Lyceum of the Philippines Laguna, sa pagkakataong ito ay nagwagi kami. Hindi namin akalaing hanggang doon lang ang kaya ng mga manlalaro nila. Nabuwag ang MC sa aming pag gradweyt sa paaralang iyon sa kadahilanang paghihiwalay namin sa kolehiyo.

Sa ngayon, oo ngayon. Sa tulong ni Jess, ay muli naming binubuo ang grupong MC. Sa DotA nagsimula ang lahat. "Kung wala ang DotA walang Payat!"

Oo nga pala, marami-rami narin akong naikukwento. Pagkakataon mo naman!

-[MC]-Admirate.MForte Equals Love

No comments:

Post a Comment