Laguna Yoyo Contest 2010
Ang nag organisa:
Admirate.MForte
Aleque Kamei
Dumapo muna tayo sa posibleng mga katanungan ng sambayanan:
T: Ang LYYC '10 ba ay ang kauna-unahang kompetisyon na magaganap sa Laguna?
S: Oo!
T: Bakit ninyo naisipang magorganisa ng ganitong palaro?
S: Nais lamang namin na matulungan ang mga manlalaro sa Laguna upang maipagpatuloy ang nasimulang pangarap. Sa pamamagitan ng kompetisyong ito, mapapanatili nila ang kanilang kaalaman at kahusayan sa paggawa ng mga triks na kuntawagiy' Simple hanggang Todo na mas kilala bilang Basic to Hyper.
T: Sa panahong ito, nagrerekrut pa ba kayo ng mga manlalaro na nagsilipana sa bawat sulok ng Laguna?
S: Oo. Bakit hindi di ba? Hindi naman masamang lumapit sa amin dahil unang una, hindi naman kami nangangain ano. At kung may potensiyal o wala, maaari parin naman nila kaming lapitan upang magtanong (Na ginagawa ng karamihan.)
Ngayon ay dumapo naman tayo sa nalalapit na kompetisyon. Ito ay tinatawag na LYYC '10 O Laguna Yoyo Contest 2010 sa pamumuno nina Kamei (Jesrelle Petracorta) at Admirate (Michael Ardan) sa layon nilang makatulong.
Ang magiging patakaran ng kompetisyon:
Mga Triks na:
Simple Hanggang Todo para sa unang parte ng kompetisyon
Mga nabanggit na Triks:
(Hindi pa napaguusapan)
Isang Minutong Libreng Istayl o mas kilalang Freestyle
Ang parteng ito ay isa lamang katuwaan, na kun' saan ay makikita natin ang pag iimprub ng mga kalahok.
Mga kalahok sa nalalapit na kompetisyon:
Kelvin Laude
Ren Karlo San Miguel
Charles Miagar
Mga kontra:
Michael Ardan
Jesrelle Petracorta
Ang Pabuya:
Sa kadahilanang tatlo lamang ang ating kalahok. Hindi na maaaring magkaroon ng Pangalawa at Pangatlong Pabuya. Kung mayroon man, ito ay halik mula sa Mga Kontra. Isa din sa dahilan kung bakit isa lamang ang pabuya, ay para na rin sa mga kalahok na paghusayan ang kanilang pag papraktis.
Ang Pabuya:
M1 mula sa Isang Laglag
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment